Boston Celtics, pasok sa Eastern Conference finals matapos na talunin ang Washington Wizards sa game 7 ng kanilang serye

94

Manila, Philippines – Pasok na sa Eastern Conference Finals ang Boston Celtics matapos na talunin ang Washington Wizards sa deciding game-7.
Nanalo ang Celtics sa score na 115-105 kung saan nanguna sa koponan si Isaiah Thomas na may 29-points at 12-assists.
Sa postgame press conference, sinabi ni Thomas na gumawa sila ng adjustment sa opensa at depensa dahil hangad nila na muling makabalik sa finals ng east at kaniya din hinangaan ang teammate na si Kelly Olynyk na nakagawa ng 26-points.
Dahil sa panalo, makakaharap ng Celtics ang Cleveland Cavaliers sa darating na Huwebes (May 18).

DZXL558


Facebook Comments