Boston Celtics, patuloy na umuusad sa Eastern Conference

57

Tuloy -tuloy ang pag-usad ng Boston Celtics matapos nilang talunin ang
koponan ng Orlando Magic sa score na 177-116 sa eastern conference ng NBA.

Pumuntos para sa Celtics si Isaiah Thomas na nagtala ng 35 points habang si
Jae Crowder naman ay pumuntos ng 18 points.

Pinilit pang ihabol ng forward shooter ng Orlando Magic na si Evan Fournier
ang kanyang sunod-sunod na 3- points sa huling quarter ng laro pero pumalya
ang mga tira nito.

Samantala, naunahan na rin ng Boston Celtics sa standings ng eastern
conference ang Cleaveland Cavaliers.

Facebook Comments