Boston Celtics starting guard Marcus Smart, hindi pa makakapaglaro dahil sa calf injury

25

Aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong linggo bago muling makapaglaro si Boston Celtics starting guard Marcus Smart matapos magtamo ng calf injury.

Ayon sa Celtics, nagtamo si Smart ng Grade 1 tear sa right medial gastrocnemius muscle noong huling laban nila kontra Los Angeles Lakers.


Si Smart ay may average 13.2 points at 6.0 assists sa kanyang 17 games ngayon season sa Celtics.

Sisimulan naman ng Boston ang kanilang five-game road trip sa Martes kontra sa Golden State Warriors (GSW).

Facebook Comments