BOUGAINVILLEA WONDERLAND BOTANICAL GARDEN SA BAYAN NG SAN MANUEL, BINUKSAN

Cauayan City – Isa nanamang pook pasyalan na tiyak na pupuntahan ng mga tao ang binuksan sa Brgy. District 3, San Manuel, Isabela.

Nito lamang ika-2 ng Marso, naganap ang soft opening ng “Bougainvillea Wonderland Botanical Garden”, isang bagong tourist spot sa nabanggit na bayan.

Tampok sa 3 hectares na garden ang makukulay at mayayabong na bulaklak ng iba’t-ibang variety ng Bougainvillea Flowers.

Maliban dito, nakatakda ring madagdagan ang mga aktibidad na maaaring gawin sa Botanical Garden dahil maliban sa mga kainan, magbubukas rin dito ng park at arcade place para sa mga bata.

Dumalo sa soft opening ng nabanggit na Garden ang Regional Director ng Regional Tourism na si Dr. Troy Alexander Miano kasama sina Isabela Tourism Officer Joanne Dy Maranan, Ambassador Atty. Silvestre Hernando Bello III, Bougainvillea National President Rolita Vejandri Spowart, at San Manuel Municipal Mayor Hon. Faustino Dy IV.

Sa naging mensahe ni Hon. Mayor Faustino Dy, nagpasalamat ito dahil mas makikilala pa ang bayan ng San Manuel dahil muling nadagdagan ang pook pasyalan na nasa lugar.

Facebook Comments