BOUNDARY ARCH SA HANGGANAN NG PANGASINAN AT ZAMBALES, BUMAGSAK MATAPOS MABANGGA NG CONTAINER TRUCK

Gumuho ang boundary arch na nagsisilbing palatandaan ng hangganan ng Pangasinan at Zambales matapos itong masalpok ng isang container truck.

Batay sa paunang ulat, malakas ang naging impact ng truck na nagdulot ng matinding pinsala sa istruktura ng arko na matatagpuan sa pagitan ng Infanta, Pangasinan at Sta. Cruz, Zambales, dahilan upang tuluyan itong bumagsak sa kalsada.

Dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa mga dumaraang motorista, nagpasya ang mga awtoridad na gibain ang natitirang bahagi ng arko upang maiwasan ang posibleng aksidente.

Agad ding nagsagawa ng clearing operations ang mga kinauukulang ahensya upang alisin ang mga debris at maibalik ang maayos na daloy ng trapiko sa nasabing bahagi ng highway.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, ngunit patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala at ang dahilan ng pagkakasalpok ng container truck sa naturang arko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments