Boxing experts, hati kay Pacquiao at Thurman

Kanya-kanya pa ring prediksyon ang mga boxing expert kung sino ang mananalo sa bakbakang Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Ang mga retired at boxing legends na sina Erik Morales, Antonio Barrera at Wrinky Wright, kinampihan si Pacman.

Pero ang dating kampeon na si Timothy Bradley Jr. na tinalo noon ni Pacquiao, tiwalang si Thurman ang mananalo sa pamamagitan ng controversial split decision.


Ganito rin ang prediksyon ng beteranong sports writer ng Espin na si Nigel Collins.

Samantala naniniwala si Coach Freddie Roach na kung sinumang manalo sa first round at panigurado nang panalo sa buong laban.

Dahil dito, may inihanda nang istratehiya ang Team Pacquiao para makuha ang first round.

Facebook Comments