Boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay, bi-nash ng mga netizens

116

Ipinagtanggol ni Sunshine Cruz ang boyfriend na si Macky Mathay sa pagsama nito sa graduation ceremony ng kanyang mga anak.
Ito’y matapos na magpost sa instagram ang aktres kasama si Macky at mga anak na sina Angelina(Grade 10) at Chesca(Grade 6) na nagtapos sa De La Salle Santiago Zobel School sa Muntinlupa.

Thank you for attending Angelina’s Moving Up Ceremony @mackymathay ☺️

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on


May ilang netizens ang nag-react at nagkomento na wala naman daw kontribusyon sa pagpaaral ng mga bata si Macky kaya bakit ito kasama sa moving-up ceremony.
Pero ayon kay Sunshine, wala raw siyang nakikitang masama dito dahil ginagawa rin ito ng iba.
Depensa pa ng aktres sa boyfriend, isa raw itong masayang moment para sa kanyang anak kaya kahit wala ang tunay na ama (Cesar Montano) ay may isang taong pumunta para i-congratulate at mabigyan ito ng flowers.
Hindi naman masagot ni Sunshine kung bakit wala si Cesar sa seremonya.

Facebook Comments