Branch Manager ng isang sanglaan sa Pasig City, inaresto

103

Hinuli mismo ng security guard ang isang branch manager ng isang sanglaan sa Pasig City matapos ireklamo ng pagnanakaw.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang branch manager ng John D. Gadgets Pawn Express Lucky Gold Plaza na matatagpuan sa Ortigas Extension Avenue Brgy. Rosario, Pasig City.


Kinilala itong si Charmae Fenis, 27-anyos na inireklamo nang negosyanteng si John Paul Defiesta, 51-anyos.

Sa reklamo ng may-ari, nawawala ang 44 na units ng Cellphone sa establishment na tanging may access ay ang branch manager.

Kinompronta ng may-ari ang suspek hanggang sa inamin nito na siya ang dahilan ng pagkawala ng 44 na cellphone.

Dahil dito, agad pinadampot ng may ari ang branch manager sa security guard at nang kapkapan nakuha pa ang isang mamahaling cellphone.




Facebook Comments