Branch manager ng remittance center, nabiktima ng pagnanakaw; 132 libong halaga ng kagamitan, natangay

20

Daet, Philippines – Pinasok ng di pa nakikilalang kawatan ang isang apartment sa na inuupahan ng isang branch manager ng isang pawnshop sa Camarines Norte.

Natangay ng suspek ang mga alahas at iba pang kagamitan na umaabot sa 132,000 pesos.

Ang biktima ay si Emma Concepcion Morada, 32-anyos, walang asawa at taga-Camarines Sur.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek para madakip ito.

Gayundin ang pagsauli ng mga ninakaw na kagamitan.

Nagpayo naman ang kapulisan sa publiko na mas pag-ibayuhin pa ang pag-iingat para maiwasan ang parehong insidente lalo na ngayong Semana Santa.
Nation”

Facebook Comments