Brazilian superstar Neymar papayagang umalis sa Paris St. Germain sa halagang €200M o halos P1.3B

24

Posibleng makabalik sa La Liga sa Espanya ang Brazilian superstar na si Neymar!

Base sa mga ulat nagkasundo na ang Brazil team captain at Paris St. Germain o PSG na makaalis ito ng koponan pagkatapos ng season.

Yung nga lang, kailangang magbayad ang koponan na nais makuha ang serbisyo ni Neymar ng transfer fee na nagkakahalaga ng 200 million euros o halos 1.3 billion pesos.

Matatandaang lumipat sa PSG mula Barcelona si Neymar noong nakaraang taon sa transfer fee record na 222 million euros.

Pero sa kanila nito, hindi naman naging masaya si Neymar sa PSG at nagpahayag ito ng pagnanais na makabalik sa Spanish Football League.

Maugong ang mga balita na nais ng Barcelona at Real Madrid ang serbisyo ni Neymar para sa susunod na La Liga season.

Facebook Comments