Brgy. Krus na Ligas sa Quezon City na dating zero COVID, nakapagtala na ng 57 na kaso at isang nasawi

290

Mula nang luwagan ang community quarantine sa Quezon City, nabura na ang record na zero COVID ng Barangay Krus na Ligas.


Batay sa datos ng Quezon City Health Department, umakyat na sa 57 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Krus na Ligas.

May 37 na gumaling at isa ang pumanaw habang 19 naman ang active cases.

Sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), muling isinara ang mga boundaries nito bilang pag-iingat.

Facebook Comments