Britain, nanganganib na maisailalim muli sa national lockdown

71
COURTESY: THE NEW YORK TIMES

Nagbabala ang health minister ng Britain ng second national lockdown kung hindi susunod ang mga mamamayan nito sa mga polisiya ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng ilang linggong pagtaas muli sa naitatalang bagong kaso ng virus sa nasabing bansa.

Ayon kay Health Minister Matt Hancock, nasa tipping point na ng COVID-19 ang Britain habang ikinokonsidera na itong second wave ni Prime Minister Boris Johnson.

Kaugnay nito, nagpatupad na ng mas mahigpit na lockdown measures sa buong bansa kabilang ang pagpapataw ng multang 10,000 pounds sa sinumang hindi magse-self isolate matapos na magkaroon ng contact sa isang pasyenteng may COVID-19 at mas mahigpit na panuntunan sa pagsasagawa ng mga social gathering.

Facebook Comments