Britanya – nagpatupad ng pinakamataas na alerto kasunod ng Manchester bombing

117

Britain – Nagpatupad na ng pinakamataas na alerto ang Britanya kasunod ng pambobomba sa Manchester, England kahapon.

Ayon sa British government, magde-deploy na rin sila ng mga sundalo sa matataong lugar gaya ng mga transport terminal.


Pinag-iingat naman ni British Prime Minister Theresa May ang publiko dahil sa posibleng panibagong terror attack.

Ito’y matapos kumpirmahin ng British police na isang 22-anyos na British-Libyan na si Salman Abedi ang posibleng nasa likod ng pag-atake na una nang inako ng teroristang ISIS.
DZXL558

Facebook Comments