British Embassy, tiniyak ang patuloy na suporta sa Mindanao

121

Manila, Philippines – Tiniyak ng British Embassy sa Pilipinas ang patuloy nilang suporta para sa kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay outgoing British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad,ito rin ang isusulong ng papalit sa kanyang bagong ambassador sa Manila.

Aniya,simula pa noong 2008 ay puspusan na ang pagtulong ng United Kingdom sa Mindanao.


Epektibo sa susunod na buwan, si Ginoong Daniel Pruce na ang magiging British Ambassador sa Pilipinas habang si Ahmad ay magiging British High Commissioner sa Bahamas.

Facebook Comments