British national na negosyante at asawa nito dinukot sa Zamboanga Del Sur

Dinukot ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki ang isang negosyanteng British national at asawa nito sa Brgy. Alindahaw, tukuran Zamboanga Del Sur.

 

Kinilala ang mga biktima na sina Allan Arthur Tyrons, isang British national at negosyante at ang kanyang asawa na si Welma Paglinawan Hyrons na pawang mga residente ng nasabing lugar.

 

Ayon sa mga otoridad, pwersahang isinakay ng 4 na hindi pa nakikilalang kalalakihan ang dalawang biktima sa dalawang motor banca at tumungo sa direksyon Pagadian City.


 

Samantala, ang isang motor banca naman anila ay tinahak ang daan na patungo sa sultan naga dimaporo sa Lanao Del Norte.

 

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga otoridad upang maaresto ang mga suspek at makuha ang dalawang nasabing biktima.

 

 

Facebook Comments