BROKEN | Sharon-Gabby movie, malabo nang mangyari

Manila, Philippines – Malabo nang magkaroon pa ulit ng Sharon-Gabby movie.

Sa harap ito ng pag-asa ng mga fans ng ShaGab love team na magbabalik-tambalan sila sa isang pelikula matapos na mag-viral ang ginawa nilang commercial para sa isang fast food chain kamakailan.

Pero say ni Sharon, ginawa ng Star Cinema ang lahat para magkaroon ulit sila ng pelikula pero malabo na aniya itong mangyari.


Kasabay nito, nag-sorry siya sa kanilang mga fans at inaming maging siya ay feeling broken.

Noong December 2016, matatandaang nabanggit ni Sharon na magkakaroon sila ng reunion movie ni Gabby.

Pero last year, sinabi ng kampo ni Gabby na bagama’t gusto niyang gumawa ng pelikula kasama si Sharon, masyado umanong hectic ang schedule at current commitments niya kaya hindi siya agad makaka-oo.

Samantala, sa Mayo, magsisimula nang mag-shoot ng bago niyang pelikula si Sharon kung saan magiging co-star niya ang isang aktor na matagal na rin daw niyang hindi nakakasama ulit sa trabaho.

Facebook Comments