BSP, tiwalang maaabot ang target inflation sa 2019-2020

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaabot ng pamahalaan ang target na inflation ngayong 2019 hanggang 2020.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – malaki ang maitutulong ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law sa pagkamit ng target inflation.

Babantayan pa rin ng BSP ang mga magiging pagbabago na makakaapekto sa mga susunod na buwan.


Mas handa na rin ngayon ang BSP matapos maging batas ang New Central Bank Act at National Payment Systems Act na magpapatatag pa ng policy at regulatory framework nito.

Makatutulong din ito sa pagkakaroon ng risk assessment sa sistema ng pagbabangko.

Facebook Comments