BTA Prayoridad ang pagbuo ng ilang CODE sa BARMM

20

Anim na bagay ang sinasabing priority legislation ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament.

Ayon kay Interim Parliament Speaker Pangalian Ali Balindong, kinabibilangan ito ng Bangsamoro Administrative Code, Bangsamoro Revenue Code, Bangsamoro Electoral Code, Bangsamoro Local Government Code, Bangsamoro Education Code at ang Bangamoro Civil Service Code.


Bagamat pinagtutuunan din nila ang creation ng iba’t-ibang opisina sa BARMM.

Sinabi ni Speaker Balindong na optimistiko sila na ang naturang mga batas ay matatapos nila at s’yang magiging gabay naman ng susunod na parliamento.

Inihayag pa ni Speaker Balindong na hindi madali ang kanilang trabaho at isa anya itong malaking hamon sa BTA.

Facebook Comments

From Advertisers