Bubuo sa PH swimming team sa Sea Games, alamin!

Inilabas na ng Philippine Swimming Inc. ang line up ng Pilipinas sa papalapit na 38th Southeast Asian Games na gaganapin din sa bansa.

Pangungunahan nina Olympian Jessie Lacuna at Jasmin Alkhaldi ang national swimming team.

Ayon kay PSI President Lani Velasco – nasa 14 na lalaki at 13 na babae ang bubuo sa final roster na sasabak sa 32 individual at six relay events.


Magaganap ang swimming event ng Sea Games mula December 4 hanggang 9 sa New Clark City.

Facebook Comments