BUBUSISIIN | Kontrata ng Nayong Pilipino sa landing resorts, bubusisiin ng DOJ

Manila, Philippines – Pina-rerepaso ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kontratang pinasok ng Nayong Pilipino Foundation sa Landing Resorts Philippines Development Corporation.

Sinabi ni Secretary Guevarra na inatasan na nya si Office of the Government Corporate Counsel OIC, Atty. Elpidio Vega na pangasiwaan ang lease transaction ng Nayong Pilipino at pinasusumite ito ng report at rekomendasyon sa DOJ.

Si Atty. Vega ang itnalagang OIC ng OGCC matapos sibakin ni Pangulong Duterte noong mayo ang Government Corporate Counsel na si Philip Jurado dahil sinasabing ilang kwestiyonableng transaksyon.


Bukod sa pagrepaso ng OGCc sa kontrata ng Nayong Pilipino at Landing Resorts, sinabi ni Guevarra na magsasagawa rin evaluation ang kanyang staff sa nasabing kontrata.

Una nang sinibak ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal ng Nayong Pilipino Foundation dahil sa pinasok na kontrata hindi paborable sa gobyerno.

Facebook Comments