Bucks, tinambakan ang Pistons; 121-98

27

Tinambakan ng Milwaukee Bucks ang Detroit Pistons sa score na 121-98.

Bumida sa Bucks para sa kanilang fourth straight win si Brook Lopez na nakapagtala ng 25 puntos.

Habang nag-ambag sina Khris Middleton ng 22 point at Eric Bledsoe ng 18 marker.

Naging highlight din ng laro ang one-handed dunk ni Giannis Antetokounmpo na mayroong 15 puntos.

Sa hanay naman ng Detroit mayroong 29 points at siyam na rebounds si Blake Griffin na dinagdagan ni Reggie Jackson ng 19 puntos.

Sunod na makakaharap ng Pistons ang Memphis Grizzlies sa Huwebes habang sasagupain naman ng Bucks sa Sabado ang Atlanta Hawks.

Facebook Comments