BuCor, binuksan na muli ang pagbisita sa NBP

Ipinagpatuloy na muli ng Bureau of Corrections (BUCor) ang pagbisita sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) matapos ang mahigit dalawang linggong suspensiyon dahil sa COVID-19.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General, Gregorio Pio P. Catapang Jr., SSUPT. Maria Cecilia Villanueva, BuCor’s Director for health and services at Supt. Elsa A. Alabado, ng CIW sa Mandaluyong City, wala na muling kaso ng COVID-19 ang dalawang pasilidad.

Dagdag pa ng BuCor, ang minimum na protocol sa kalusugan ay kinakailangan sa mga bisita tulad ng pagsusuot ng face mask habang inilalagay sa sanitizing area upang maprotektahan ang mga stakeholder.


Hihingin pa rin umano sa mga bisita sa NBP ang rapid antigen test negative result, 24 oras bago ang kanilang nakatakdang pagbisita at kinakailangang magsuot ng face mask.

Samantala, ang pagbisita ay mula Miyerkules lamang hanggang Linggo mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments