BuCor, bumuo na ng task force para sa posibleng paglipat ng New Bilibid Prison sa ibang lugar

128

Bumuo na ang Bureau of Corrections (BuCor) ng task force para sa paglilipat ng New Bilibid Prison (NBP) sa ibang lugar.

Ito ay upang matugunan ang problema sa siksikan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa NBP.

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, isa sa sinisilip nilang paglilipatan ng NBP ang lalawigan ng Nueva Ecija kung saan magtatayo ng isang mega prison.


Pero sa kasalukuyan aniya ay pinag-aaralan pa lamang ang proposal na isinumite sa kanila ng BuCor.

Sakaling maaprubahan, itatayo ang “state-of-the-art” prison facility sa loob ng Fort Magsaysay Military Reservation.

Facebook Comments