BuCor Chief Gerald Bantag, nag-inspeksyon sa loob ng bilibid na may dalang Submachine Gun

1831

Nag-inspeksyon sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na may bitbit pang Submachine Gun.

Ayon kay Bantag, tugon niya ito sa mga natatanggap niyang mga pagbabanta.


Pero hindi siya magpapasindak sa mga ito.

Sinabi naman ni NCRPO DIrector Major Gen. Guillermo Eleazar, ang NCR Quad Intel Force ang magbabantay sa loob ng Bilibid.

Binubuo ito ng mga tauhan ng NCRPO, PDEA, NBI, at AFP.

Papalitan nito ang nasa higit 500 tauhan ng BuCor na tinanggal sa pwesto dahil sa hindi matapos-tapos na problema ng ilegal na droga.

Ang Quad Intel Force ang magsisilbing ‘mata’ at ‘tenga’ ng BuCor sa galaw ng mga sindikato.

Ang mga natanggal na tauhan ng BuCor ay isasailalim sa retraining at evaluation, pero pangamba ng BuCor na marami sa mga ito ay hindi na makakabalik sa serbisyo.

Facebook Comments

From Advertisers