BuCor, nag-deploy ng mga tauhan na tutulong sa Bureau of Quarantine sa NAIA terminals

30 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tumutulong na rin sa Bureau of Quarantine (BOQ) sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminals.

Sa harap ito ng tumataas na bilang ng Returning Overseas Filipinos (ROFs) na nagpopositibo sa COVID-19 pagdating sa NAIA.

Ayon kay BOQ Deputy Director Obet Salvador, umaabot na sa 10% hanggang 14% positivity rate sa hanay ng ROFs.


Ito ay katumbas ng average na 400 na kaso kada araw.

Nagpasalamat naman ang BOQ kay BuCor Chief Gerald Bantag sa pagpapadala nito ng augmentation team sa NAIA.

Facebook Comments