BuCor PIO Chief Col. Gabby Chaclag, kinumpirmang may patay sa nangyaring riot ng Sputnik Gang at Commando Gang kaninang madaling araw

86

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) PIO Chief Col. Gabby Chaclag na may patay sa naganap na riot kaninang madaling araw sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Chaclag, nagkasalubong ang Sputnik Gang at Commando Gang sa ace quadrant ng Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison (NBP).

Hindi pa makumpirma ni Chaclag kung ilan ang nasawi sa nangyaring riot sa loob ng NBP dahil hinihintay pa nila ang official report ng NBP personnel at mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakaduty nang mangyari ang riot sa pagitan ng dalawang grupo sa Maximum Security Compound.

Facebook Comments