BuCor, sinimulan nang iproseso ang pagpapalaya kay Pemberton

35

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na natanggap na nila mula sa Department of Justice (DOJ) ang kopya ng absolute pardon na iginawad ng Pangulong Rodrigo Duterte kay U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay BuCor Public Information Office Chief Gabby Chaglag, sa ngayon, sinimulan na nila ang pagproseso sa paglaya ni Pemberton.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang BuCor sa iba pang ahensya ng pamahalaan na involve sa proseso ng pagpapalaya kay Pemberton.

Una nang hiniling ng Bureau of Immigration (BI) kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag na i-turnover na sa kanilang kostudiya si Pemberton para maipatupad na ang deportation order at maiproseso na ang pag-alis nito sa bansa.

Tiniyak ng Immigration na magkakaroon ng escort si Pemberton paglabas nito ng bansa.

Facebook Comments