Mino-monitor ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) sa harap ng nararanasang tag-init.
Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang, malaking tulong sa decongestion sa mga piitan lalo na sa New Bilibid Prison ang ginawang pagpapalaya sa PDLs.
Bukod pa aniya rito ang pagtransfer sa PDLs sa mga lalawigan.
Kabilang naman sa binabantayan ng BuCor na mga sakit na posibleng tumama sa inmates kapag mainit ang panahon ay heat stroke, flu at pneumonia.
Kinumpirma naman ni Catapang na wala namang nagkakasakit ngayon na PDLs.
Facebook Comments