Budget ng DFA sa 2022, pasado na sa komite ng Senado

Aprubado na sa Senate finance sub-committee ang panukalang budget ng Department for Foreign Affairs (DFA) para sa susunod na taon.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., nagkakahalaga ito ng P21.051 bilyon.

0.42% ito ng kabuuang budget sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.024 trilyon.


Sa higit P21 bilyon na budget, P20.9 bilyon ang mapupunta sa DFA-Office of Secretary at ang P145.1 milyon naman ay para sa attached agencies ng DFA.

Humirit naman ang DFA ng karagdagang budget para sa kanilang mga programa na sinuportahan ng mga senador.

Facebook Comments