Budget ng Office of the President, at PCOO aprubado na

35

Manila, Philippines – Walang ng nagtanong kaya aprubado agad ng senado ang panukalang 2018 budget para sa Office of the President at Presidential Communications Operations Office o PCOO.

6.03 billion pesos ang nakalaang pondo para sa Office of the President

Ito ay mas mababa ng P14.1 billion pesos kumpara sa budget nito ngayong taon na P20.17 billion pesos.

Ito ay dahil sa naisama na sa 2017 budget ang p14.1 billion na ginastos para sa idinaos na foundation rites ng Southeast Asian Nations o ASEAN.

Samantala, P1.351 billion pesos naman ang 2018 budget para sa PCOO.

Sa naturang pondo ay 298.7 milyong piso ang para sa PCOO proper, 370 milyong piso ang para sa bureau of broadcast services, at ang natitirang pondo na may 670 milyong piso ay para naman sa Bureau of Communication Service, National Printing Office, National Information Bureau, Public Information Bureau at Radio-TV Malacañang.

Facebook Comments