Buffer stock ng NFA, patuloy ang pagtaas ngayong panahon ng tag-init

Umaabot na sa 7.56 million bags ang milled rice ng National Food Authority (NFA) kasabay ng peak o kasagsagan ng malakas na ani ngayong panahon ng tag-init.

As of April 24, umaabot ang inventory NFA sa 10.1 million bags ng palay (unmilled rice) at 1.2 million bags ng milled rice na sapat upang mapakain ang buong bansa sa loob ng sampung araw.

Ang naturang datos ang pinakamataas mula noong huling bahagi ng 2020.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, mayroon pa silang ₱12 billion na pondo para ipambili ng palay.

Plano ng NFA na i-maximize ang pamimili ng palay ngayong summer harvest.

Ngayong taon, ang NFA ay bumibili ng palay sa presyong mula P18 hanggang P24 per kilo.

Facebook Comments