BUGAW | 2 taong nagbugaw sa 13-anyos sa pari noong nakaraang taon, arestado sa magkahiwalay na operasyon

71

Marikina City – Nadakip na ng mga pulis ang dalawang tao na itinuturong nagbugaw sa isang 13-anyos na dalagita sa isang pari noong nakaraang taon sa magkahiwalay na ope­rasyon sa Barangay Malanday, Marikina City.
Kinilala ang mga suspek na sina Gerald Ace Robenta, freelance make-up artist at Luisa David, kapwa 20-anyos.
Ang dalawa ang siyang nagbugaw sa isang 13-anyos na dalagita kay Monsignor Arnel Lagarejos noong hulyo 29, 2017.
Matatandaan na una nang inaresto si Msgr. Lagarejos matapos na maaktuhang kasama ang biktima sa kanyang sasakyan habang papunta sana sa isang motel sa sumulong highway, Barangay Sto. Niño.

Sinampahan ng kasong anti-trafficking in persons act ang pari ngunit pansamantala itong matapos na payagang mag-piyansa.

Facebook Comments