Buhay ng mga drug traffickers sa bansa titiyaking magiging impiyerno – PRRD

989

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mahirap ang buhay ng mga drug lords at drug pushers sa bansa hanggang matapos ang kanyang administrasyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, titiyakin niyang magiging impiyerno ang buhay ng mga drug traffickers sa bansa hanggang siya ang nanunungkulan bilang Pangulo ng bansa.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte matapos niyang ianunsiyo ang ilang pulitikong sangkot sa iligal na droga mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na malaking halaga ng pera ang dahilan ng pagkalat ng iligal na droga kaya kahit anong bigat ng mga parusa sa mga ito ay patuloy na kinakapitan ng mga tao.

Binigyang diin pa ni Pangulong Duterte na kahit masunog pa siya sa impiyerno ay hindi niya ititigil ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Facebook Comments