BUILD BUILD BUILD | Malacañang, bukas sa isinusulong na imbestigasyon ni De Lima

413

Manila, Philippines – Bukas ang Malacañang sa isinusulong na pagsisiyasat ni Senadora Leila De Lima sa build build build program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa sila na handa ang mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno na dumalo sakaling magpatawag ng pagdinig ang Senado.


Anuman aniya ang isyu sa proyekto na kailangang liwanagin ay kaagad itong masasagot dahil bago pa man simulan ang mga hakbang ukol dito ay dumaan ito sa feasibility studies.

Umaasa naman si Panelo na ang hakbang ni De Lima ay hindi lang para sa political grandstanding.

Aniya, panahon na kasi ng eleksyon ngayon kaya posibleng naghahanap lang ng isyu ang oposiyon para siraan ang administrasyon at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments

From Advertisers