Bukod sa dalawang BuCor officials, apat na tauhan ng BuCor ang negatibo na rin sa COVID-19

29

Bukod kina Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag at BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, nag-negatibo na rin sa COVID-19 ang apat pang tauhan ng BuCor.

Sa ngayon, 23 na lamang ang active cases ng COVID-19 sa BuCor kung saan walo rito ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) at 15 ang BuCor personnel.

Patuloy namang mino-monitor ang kalusugan ng mga tauhan ng BuCor na patuloy na nagpapagaling.

Una nang inanunsyo ni Dr. Henry Fabros, BuCor Chief Directorate for Health Services na naka-recover na sa COVID-19 si Bantag at si Chaclag matapos ang tatlong linggong quarantine.

Ayon sa BuCor, sumalang sa swab test sina Bantag at Chaclag noong Lunes kung saan lumabas sa resulta na negatibo na sila sa COVID-19.

Facebook Comments