
Inanunsyon ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagpapatuloy pa rin ang mataas na aktibidad ng Bulkan Kanlaon sa Negros Island.
Sa inilabas na 24-monitoring ng PHIVOLCS, 58 minutes o halos isang oras na nagbuga ng abo ang bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ng 21 volcanic earthquake sa palibot ng bulkan.
Sa report ng PHIVOLCS, 150 metrong taas na walang patid na pagsingaw at pagbuga abo na napadpad sa Timog-Kanluran at Kanluran ang naitala.
Paliwanag pa ng PHIVOLCS, ang Alert Level 3 ay nananatiling ipinatutupad sa Bulkang Kanlaon.
Dahil dito ay muling nagbabala ang PHIVOLCS sa mga residente, na mataas pa rin ang posibilidad ng biglaan at mas malakas na pagsabog, pagbuga ng lava, rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malakas na mga pag-ulan.