Bulkang Bulusan, itinaas sa Alert Level 1 ng PHIVOLCS

29

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan dahil sa abnormal na kondisyon nito.

Ayon sa PHIVOLCS, may naitala silang 124 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan simula noong May 8.


Inabisuhan naman ang mga lokal na pamahalaan at publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius ng Permanent Danger Zone at pinaaalerto sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa southeast sector.

Tiniyak ng PHIVOLCS na mahigpit nilang babantayan ang kondisyon ng Bulkang Bulusan.

Facebook Comments