
Muling nag-alburoto ang Bulkang Kanlaon matapos maganap ang isang mahinang pagsabog pasado alas-tres ng hapon kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ang mahinang pagsabog nito ng dalawang minuto, ayon na rin sa datos ng Kanlaon Volcano Network.
Paliwanag pa ng PHIVOLCS na umabot sa 600 metro ang taas ng singaw nito pa Timog-Kanluran na siya namang nagdulot ng mainipis na ashfall sa Sto. Mercedes at San Luis, Brgy. Sag-Ang, Negros Occidental.
Bukod pa riyan, narinig din ang pagsabog sa Brgy. Yubo, La Carlota City at Brgy. Sag- Ang La Castellana, Negros Occidental.
Nananatili naman sa ngayon ang Bulkang Kanlaon sa Alert Level 3.
Bunsod nito, mahigpit na inirerekomenda ng PHIVOLCS ang agarang paglikas ng mga residenteng naninirahan sa loob ng 6km radius mula sa Bulkang Kanlaon dahil sa posibleng panganib na idudulot nito.