Bulkang Kanlaon sa Negros, itinaas sa Alert Level 1 ng PHIVOLCS

75

Itinaas sa Alert Level 1 ang status ngayon ng Bulkan Kanlaon sa isla ng Negros matapos na makapagtala ng 11 pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagbubuga ngayon ng abo ang bulkan na may taas na 300 metro.

Naglabas ng average 500 tonnes ng sulfur dioxide ang bulkan.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan na mag-ingat sa posible nitong pagsabog.

Hindi rin pinapayagan ng PHIVOLCS ang publiko na pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibleng phreatic eruption at ipinagbabawal din ang pagdaan ng mga eroplano malapit sa tuktok ng bulkan.

Tiniyak naman ng PHIVOLCS na patuloy nilang imo-monitor ang lagay ng bulkan at agad itong ipagbibigay-alam sa publiko.

Facebook Comments