Maaari nang idulog sa 911 hotline ang kaso ng bullying sa eskwelahan, ayon ‘yan mismo kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicholas Torre III.
Hindi umano palalampasin ang ganitong uri ng mga masasamang gawain sa loob ng mga paaralan. Ang mga local police stations ang makikipag-ugnayan sa mga school head sa pagtanggap ng mga ito ng naturang insidente.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nagpapatuloy ang kampanya kontra bullying sa pangunguna rin ng hanay ng kapulisan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PPO Public Information Officer PCpt. Aileen Catugas, nagsasagawa ang pamunuan ng information drive sa mga eskwelahan.
Samantala, matatandaan na nagkaroon ng kaso ng bullying sa unang araw ng pasukan sa isangng paaralan sa Mangaldan, kung saan nakaranas ng pisikal na pananakit ang isangng estudyante mula sa kapwa nito mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣