BUMAGSAK | Halaga ng piso kontra dolyar, humina pa!

58

Manila, Philippines – Bumagsak ang piso sa pinakamababa nitong halaga matapos ang 13 taon dahil sa lumalakas na economic data ng Estados Unidos.
Nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa P53.88 o 15-centavos na mas mahina kumpara sa naitalang P53.73 noong Biyernes.
Ayon sa ilang ekonomista, na-overwhelm ang emerging markets dahil sa negatibong sentimyento na nag-ugat mula sa trade war sa pagitan ng US at China.
Nakaapekto rin anila sa piso ang secondary effects ng inflation data dahil sa patuloy na pagbagsak ng local stocks at fixed income market.
Mababatid na naitala ang 6.4% inflation rate noong August na naging pinakamabilis sa loob ng 9 na taon mula nang magrehistro ito sa 6.6% noong March 2009.

Facebook Comments