
Kinumpirma ng United States Department of Defense na kinontrata nila ang eroplanong bumagsak sa Maguindanao del Sur kahapon.
Ayon sa US Indo Pacific Command, nagsasagawa noon ng intelligence, surveillance at reconnaissance support ang Beechcraft King Air 300 aircraft na galing Cebu patungong Cotabato City.
Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang routine mission bilang suporta sa US – Philippine Security Cooperation Activities.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, walang nakaligtas na sakay ng eroplano kung saan lulan nito ang isang US military serviceman at tatlong defense contractor.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang INDOPACOM lalo’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Facebook Comments