Bumagsak na Ethiopian Airplane, nakitaan ng technical difficulties

Nakitaan ng technical difficulties ang Ethiopian Airlines flight ET 302 bago ito bumagsak na ikinasawi ng higit 150 katao.

Ito ay base sa report ng piloto ng bumagsak na eroplano sa air traffic controllers pagkatapos nilang mag-take-off sa Bole Airport sa Addis Ababa.

Ayon kay Ethiopian Airlines CEO Tewolde Gebremariam – humingi pa ang piloto ng clearance na bumalik sa paliparan.


Aniya, walang lumutang na anumang problema sa eroplano matapos itong isailalim sa routine maintenance check.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari.

Facebook Comments