BUMISITA | PNP Chief Oscar Albayalde, nakipagdayalago sa mga kadete ng PNPA

43

Manila, Philippines – Personal na bumisita si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa Philippine National Police Academy o PNPA sa Silang, Cavite kaninang umaga.

Ito ay sa harap na rin ng mga pangaabuso, hazing at kahalayan na nangyayari umano sa akademya.

Ayon kay Albayalde ipinamukha nya sa mga kadete na hindi kinokonsinti ng pamunuan ng PNP ang mga nangyayari sa loob ng akademya.

Kahit napagalitan ang mga kadete nagiwan naman ng mga inspirational words si PNP Chief sa mga ito.

Ayon kay Albayalde mahalagang ma motivate ang mga kadete na magpakatino lalot sila ang susuno na mamumuno sa Philippine National Police.

Facebook Comments