BUMISITA | US aircraft carrier USS Theodore Roosevelt, dumaong sa Manila Port

Manila, Philippines – Dumaong sa Manila Port ang aircraft carrier na USS Theodore Roosevelt ng Estados Unidos.

Lulan ng USS Theodore Roosevelt ang supersonic F18 jets, spy planes at helicopters, kasama pa ang carrier air wing 17 at guided-missile cruiser USS Bunker Hill.

Ito ang ikalawang pagbisita ng isang US carrier ngayong taon matapos magpatrolya sa West Philippine Sea.


Bahagi ng port visit ng nasabing barko na makilahok ang kanilang crew sa cultural exchange at community relations programs para makilala ang kultura ng Pilipinas.

Pagkatapos ng port visit sa Maynila, tutungo ang deployment ng strike group sa western pacific para tugunan ang anumang maritime security concerns at palakasin ang ugnayan nito sa mga partner navy.

Facebook Comments