BUMIYAHE | Isang set ng Dalian Train sa MRT, bumiyahe na

Manila, Philippines – Bumiyahe na ang isang set ng Dalian train sa Metro Rail Transit-3.

Sumakay mismo sa tren si Transportation Usec. John batan para personal na malaman kung maayos itong nakabiyahe.

Aniya, ang deployment ng unang tatlo mula 48 bagon na binili mula sa dalian ay matapos na makumpleto ang mga pagsusuri rito para matiyak na ligtas itong sakyan ng mga pasahero.


Naging matagumpay naman ang unang biyahe ng Dalian coaches kaya umaasa ang DOTr na makakatulong ito para mabawasan ang mga aberya sa MRT.

Matatandaang hindi agad nagamit ang mga bagon na binili sa ilalim ng administrasyong Aquino dahil sa sinasabing compatibility issues sa riles ng MRT.

Facebook Comments