BUMUWELTA | P-Duterte, inihayag na nais daw ng CIA na mamatay na siya agad

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais daw ng Central Intelligence Agency (CIA) ng United States of America na siya ay mamatay na.

Ito ang sinabi ng Pangulong Dutete sa kanyang speech sa convention ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) kung saan may mga CIA daw sa pagtitipon at ang balita niya ay gusto siyang patayin.

Dagdag pa ng Pangulo na kapag may nangyari sa kaniya na hindi maganda, ito daw ang isa sa mga plano ng CIA.


Bumuwelta din ang Pangulong Duterte kay US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver dahil sa pagbili ng Pilipinas na military equipment sa Russia.

Hinamon niya si Schriver na ipaliwanag daw sa kaniya kung bakit hindi dapat bumili ng mga submarine sa Russia at kaniya daw itong isapubliko.

Iginiit pa ng Pangulo na ang mga ibinentang mga helicopter ng Amerika sa Pilipinas ay pawang mga gamit na kaya at ipinagtataka nito kung bakit tayo pinipigilan bumili ng mga equipment sa ibang bansa gayung hindi naman ito gagamitin laban sa kanila.

Sa huli, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi kaaway ng Pilipinas ang Amerika kung saan nais lamang niya ay protektahan ang mga sundalo at pulis.

Facebook Comments