BUMWELTA | PRRD, isang ‘duwag’ at ‘diktador’ – Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Tinawag ni Senador Antonio Trillanes IV na “duwag” at “diktador” si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipawalang bisa ang kaniyang amnesty.

Giit ni Trillanes, itinaon kasi ng Pangulo ang paglabas ng utos ng palasyo habang ito ay nasa Israel.

Aniya, imposible siyang mabigyan ng amnestiya kung hindi siya nagsumite ng aplikasyon.


Sabi pa ni Trillanes, itinaon din ang paglabas ng utos ng palasyo para harangin ang imbestigasyon sa mga kontrata na nakuha ng security agency ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida.

Pagtitiyak naman ni Trillanes, handa siyang magpaaresto kung sakali.

Gayunpaman, pag-aaralan pa aniya ng kaniyang mga abogado ang mga susunod na hakbang nila.

Facebook Comments