Bungalow House sa Luna, Isabela, Tinupok ng Apoy, May-ari ng Bahay-Patay!

607

*Luna, Isabela-* Patay ang isang empleyado ng isang pribadong kumpanya matapos masunog ang kanyang bahay bandang alas nuebe y medya kaninang umaga partikular sa Greenhills Subd., Mambabanga, Luna, Isabela.

PANOORIN ANG AKTWAL NA VIDEO NG NASABING SUNOG


Kinilala ang biktima na si Francisco Blanco Jr., nasa tamang edad, may-asawa, empleyado ng isang pribadong kumpanya at residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Senior Fire Officer 3 Noly Lintao ng BFP Luna, lumalabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na nasuffocate at nawalan ng malay ang biktima dahil sa kapal ng usok bago tuluyang natupok ang bahay.

Wala rin umanong kasama sa bahay ang biktima nang mangyari ang sunog at napag-alaman rin ng mga rumespondeng mga otoridad na nagtamo ng 4th degree burn sa katawan ang biktima.

Ayon pa kay SFO3 Lintao, naapula ang sunog bandang alas onse ng umaga na nirespondehan ng tatlong Fire trucks at mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa dami ng gamit sa loob ng bahay ng biktima.

Isa sa kanilang tinitignang pinagmulan ng sunog ay ang mga appliances subalit patuloy pa rin umano ang kanilang isasagawang pagsisiyasat hinggil sa pinagmulan ng sunog at nakatakdang isailalim ngayon sa autopsy ang bangkay ng biktimang si Blanco Jr.

Facebook Comments

From Advertisers