
Nagdadalamhati ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagkamatay ng dalawang pilotong sakay ng FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) na bumagsak sa Bukidnon, nitong Martes ng madaling araw.
Binigyang-diin ng AFP na ang kanilang walang kapantay na tapang at sakripisyo ay patunay ng ‘di-matitinag na dedikasyon ng bawat sundalong Pilipino sa pagtatanggol sa bayan.
Binigyang diin ng Sandatahang Lakas na ang kanilang tapang ay mananatiling inspirasyon sa bawat sundalo, mandaragat, kawal ng himpapawid, at marinong bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kasabay ng pagdadalamhati, tiniyak din ng AFP ang patuloy na suporta sa mga naulilang pamilyang ng mga nasawing piloto.
Sa kabila ng trahedya, nananatiling matatag ang AFP sa misyon nitong ipagtanggol ang kalayaan at kapayapaan ng Pilipinas.